masayang buhay

yohooo… andito na ulit ako. hindi makatulog, dahil sa sobrang tulog (ha?!) basta, magulo. ang alam ko, ilang araw na ako pinapasaya ni judith macnaught. sari-saring isipin na ulit. pero masaya, kain lang, tulog, konting kwento masaya na ulit. DANGHABABANAMANNGBAKASYON.

alak? hindi na masyado. nakakatamad na din kasi uminom, idagdag mo pa ang kinabukasan kung malalasing ka. tapos yung mga kasakasama mo dati ay napakahirap ayain. ewan. WAG PILITIN ANG AYAW

mahigit isang linggo na ang nakakalipas mula nung aking kaarawan at nawala ang telepono ko. masarap din pala yung walang kumokontak sayo. payapa ang mga oras. ang nakakainis lang nawala yung mga kuha sa telepono ko at ung binili ko pa sa boracay na palawit. pero sa lahat lahat AYOS LANG. para lang bagong buhay, wala na yung mga taong numero lang ng isa’t isa meron. hindi nila alam kung san pa ako makikita. sa makatuwid…. nawala lahat ng lalake :) MAY DARATING PA DAHIL MADAMI PA SILA.

ano ano nalang ba ang mga bagay na pinagkakaabalahan ko? wala na din masyasdo. nasasabik na lang ako lagi sa bagong palabas sa sinehan gaya ng fantastic four, harry potter, simpsons, ratatouille at iba pa. idagdag mo pa ang sari saring serye na kung panuorin ang tuloy tuloy hanggang umaga. ANTAY TAYO NEXT SEASON

MASAYA ANG BUHAY

***namimiss ko na ulit ang bonds

Leave a Reply