sari sari usapin

nakakasawa din pala ang mga usaping paulit ulit. isang buwan na nakakalipas, nakakapagod na din. sabi ko nga kay cheni, isang araw lang, pwede kayang wag natin pagusapan un? pero anu magagawa kahit anu pilit iwasan ang usaping un, wala, ganun pa rin. mapaguusapan pa rin ng paulit ulit. TAMA NA!

kitchie at lean. sa pag uusap namin hanggang alas 12 ng gabi dun sa coffee shop na kami lang tatlo ang tao, sa tingin ko paulit ulit lang pero bakit hindi naman nakakasawa? kahit ang pinakapaboritong pagusapan eh ang kacornihan ko o katabaan ko, ayos lang. kahit may paulit ulit pa ding isyu sa mga lalake, sige pa din enjoy lang. namiss ko lang din sila tsaka ung tatlong oras na kwentuhan, laitan at asaran!

nasa nararamdaman lang siguro. :0

Leave a Reply